Ang tao ay di nabubuhay ng nag-iisa sa mundo.  Kailangan niya ang tulong ng iba upang mabuhay. Dahil dito, dapat niyang isipin ang kapakanan ng bawa't isa habang nabubuhay sa mundong ito at pahalagahan kung ano ang mas makabubuti sa nakararami.

Sa darating na eleksyon, maraming bagay tayong dapat na isaalang-alang sa isang kandidato. Hindi lang natin dapat isipin kung ang isang kandidato ay galing sa mahirap, galing sa angkan ng mga magagaling ng pinuno, isang bar topnotcher, nakaranas na manungkulan sa pinakamataas na posisyon sa ating bayan o kandidatong may dala ng bagong pag-asa. Marahil ang isa sa mga dapat maging batayan sa pagboto ay ay konsensyang panlipunan o social conscience. 

Gasgas na nga kung maituturing ang mungkahing alamin ang plataporma ng mga kandidato ngunit sa ganitong paraan lamang natin mas lalong malalaman ang kanilang mga prayoridad, pinapahalagahan at mga plano. Dapat natin ilagay sa isip kung may kakayahan ba siyang baguhin ang bulok na sistema na mayroon ngayon sa ating pamahalaan.  Anu-ano ba ang mga plano niya upang maiahon ang mga kapatid nating naghihirap at tuluyan nang nawawalan ng pag-asa?  Anong balak niyang programa sa mga kabataan na pag-asa ng ating bayan? May mga plataporma ba siya sumasagot sa mga suliraning panlipunan? Ano naman ang kanyang pananaw para sa ating kapaligiran? para sa ating Inang Kalikasan? Paano niya mapapaganda ang ating kapaligiran?  magagawa ba niyang disiplinahin ang mga maling kaugalian ng ating kababayan?

Ilan lamang ito sa mga dapat nating itanong sa ating sarili sa pagpili ng mga kandidato. Marami pang dapat na malaman tungkol sa mga kandidato. Sana mas lalo natin silang kilalanin. Nawa’y maging isa sa maging batayan natin sa pagpili ng ating iboboto ay kanilang konsensiyang panlipunan na maipapahayag lamang ng kanilang pagtugon sa mga suliraning panlipunan.

Kilalanin ang ating mga pinuno. Mag-isip. Bomoto.

Text Campaign (huwag babasahin sa misa)
Kilalanin ang ating mga pinuno. Mag-isip. Bomoto. Para sa karagdagang kaalaman, bumisita sa www.ppcrvsanvicentedepaul.weebly.com. Pakipasa sa iba.
social_conscience.doc
File Size: 32 kb
File Type: doc
Download File

 



Sa isang programang pantelebisyon, natanong sa isang sikat at kilalalang dayuhang mang-aawit ang madalas niyang pagbalik at pag konsyerto sa Pilipinas. Simple lang ang kanyang kasagutan: hindi niya malimot ang pagka-palakaibigan, pagkamatulungin at pakikitungo sa kapwa. Sa madaling sabi, ang pagka-“hospitable” ng mga Pilipino – mga kaaya-ayang ugali na lagi niyang hinahanap-hanap.
Marami ngang kapuri –puri at mahalagang ugali tayong mga Pilipino, hindi lamang sa larangan ng kagandahan, katalinuhan, sining at agham, kundi maging sa ugaling pampalakasan at mga kakaibang ugaling mai-uugnay sa politika na pumukaw sa damdamin sa buong mundo.
Hindi maikukubili ninuman ang mga ugaling pinakita ng mga taong-bayan noong EDSA I, ang pagkamaibigin sa kapwa at sa kalayaan, ang pagkakaisa at ang pagkamadasalin. Halos lahat na ng mga maganda at mahalagang ugali ng mga Pilipino ay napamalas sa sanlibutan noong mapayapang “People Power” na iyon. Naging saksi ang sangkatauhan sa kapangyarihan ng dasal; sa kakayanan nating palitan ng kapayapaan ang anumang dahas; sa kakayanan nating kamtin ang minimithing kalayaan sa pamagitan ng pagkakaisa at mabubuting paraan ng pagbabago. Ito ang mga positibong katangiang pinahahahalagahan nating mga Pilipino.
Ilang lingo na ang nakakaraan, nakaranas ng malakas na pag ulan at matinding pagbaha dulot ng bagyong “Ondoy” ang halos buong Luzon, partikular na ang kalakhang Maynila. Sa panawagan ng iba’t-ibang sector, nanumbalik ang pagtutulungan, bigayan, damayan, katatagan, at pagiging-kalmado ng bawat isa sa gitna ng pagsubok at kahirapan dala ng karahasan ng kalikasan. Ang pagdamay at pag-alay sa kapwa: - mga positibing halaga ng ugaling Pilipino ang naging tanging pag-asa’t lunas sa panahong iyon. 
Sa linya ng isang madamdaming awitin, ang yaong mga positibong halaga ng mga kaugalian ay siyang “LUNAS, LIGAYA AT PAGASA” ng bawat kaluluwa. Yan din ang “hiwaga” ng buhay ng tao, buhay ng bawat Pilipino. 
Umaasa ang lahat ng mga kasapi ng PPCRV na hindi lang maipakita ang mga positibong kaugalian nating mga Pilipino sa ikakatagumpay ng darating na eleksyon, kundi maging bukas sana ang ating mga mata sa posibilidad na maaaring magamit ito ng mga politiko laban sa atin… na maaaring pagsamantalahan ng mga pulitiko ang mga kabutihang ito sa pansarili nilang layunin. 
Sa darating na eleksyon, tayo nawa’y magbantay. Magmatyag. Bomoto.


Text Campaign: 

Kilalang tayong mga Pinoy sa pagiging hospitable… Pero sana wag sa mga trapo (traditional politician) ngayong darating na eleksyon…(visit www.ppcrvsanvicentedepaul.weebly.com)
positibong_halaga_ng_ugaling_pilipino.doc
File Size: 33 kb
File Type: doc
Download File

 
Kaugaliang Pilipino, kahang-hanga’t katangi-tangi. Tatak ng isang tunay na Pilipino. Ngunit kapag naabuso, ito’y nagdudulot negatibong kinagawian.



PAGTULONG vs PAGTULONG

Likas sa ating mga Pilipino ang maging matulungin. Magkakamag-anak, magkakapitbahay o maging magkakaibigan, bawat isa ay laging handang tumulong kapag may nangailangan. “BAYANIHAN” sa madaling sabi. Kitang- kita ito noong panahon na hinagupit ang bansa ng dalawang bagyo. Halos lahat nawalan… mayaman man o mahirap, ano man ang antas ng buhay, tinangay lahat ng mga pinaghirapan. Ngunit hindi nagpadala ang pinoy sa agos.  Muling naghari ang diwa ng bayanihan at unti-unting bumangon ang bawat isang nasalanta.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ito’y naging magandang pagkakataon sa mga nais sumikat upang maging tagapagtanggol sa mata ng masa. Sayang ok na sana kaso may hidden agenda pala. 



UTANG NA LOOB vs UTANG NA LOOB

Pagkatapos pagdadamayan, likas naman sa mga natulungan ang tumanaw ng utang na loob. Ito ang pagsukli o pagbabalik ng pabor sa mga tumulong. Handang gawin ang lahat upang maipadama ang lubusang pasasalamat.

Ngunit naaabuso din ang pagtanaw ng utang na loob. Kapalit ng inaakalang buong pusong pagtulong ay buong pagkatao’t maging ang kaluluwa ng mga natulungan. Sapilitang pagsunod sa kagustuhan ng tumulong kahit labag na ito sa kalooban ng tinulungan… Walang magawa, may utang na loob kasing dapat bayaran.



BAHALA NA vs BAHALA NA

Bahala na. Salitang nagmula sa salitang “BATHALA NA” na ang ibig sabihin ay pagpapaubaya sa  Diyos ng lahat ng bagay. Dito ipinapakita ang tunay na pananampalataya at buong pusong pagtitiwala sa Diyos. Yan ang Pinoy.   Dasal ang sandata sa laban ng buhay. 

Ngunit hindi makukumpleto ang tagumpay kung walang pagkilos at kung hahayaan lamang ang mga pangyayari. Ayon nga sa kasabihan “NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA”. Dapat kumilos din tayo at hindi lang tumulala. Halimbawa, kung nais mo ng pagbabago sa bansa kailangang mayroon kang gawin at huwag lang hayaan ang ibang kumilos, Hindi ka ba nakokonsyensya? Nais mo ng pagbabago ngunit nakaupo ka lang. Mahalaga ang partisipasyon mo sa katuparan ng pagbabagong ito... 


IKAW ANG BAHALA SA PAGBABAGONG ITO.


Paalalala: Ang Deadline ng pagpaparehistro ng mga botante ay sa October 31, 2009  


TEXT CAMPAIGN:

Utang na loob. Isang magandang ugaling Pilipino na maaaring maabuso. Sa darating na eleksyon, pangalagaan mong hindi ito magamit ng mga kandidato para makuha ang boto mo. (Deadline of Voters Registration- October 31, 2009). Visit www.ppcrvsanvicentedepaul.weebly.com
[Please pass]
ugalingpilipino.doc
File Size: 31 kb
File Type: doc
Download File

 
Kaya mo bang manirahan sa isang disyerto?  


Marahil, marami sa atin ay magsasagot ng matinding pag ayaw sa kadahilanang mahirap ang mabuhay sa disyerto.  Una sa lahat ay limitado ang tubig, maiinit, walang halaman at walang ibang hayop maliban sa kamelyo.  Masasabi ring walang buhay sa lugar na ito.
Ngunit naisip ba natin na ang buhay sa disyerto, bagamat mahirap, pasakit at punong puno ng pagkabigo ay makakapagdulot pa rin ng maganda sa ating buhay?


Sa disyerto, hindi lang ang tagapamahala sa tubig ang siyang bumibisita at nagpoprotekta dito kundi lahat ng taong nakatira doon ay nangangalaga at nagtutulungan upang mapanatili ang tubig.  Ang disyerto ay isang lugar na kung saan ang bawat isa ay nakikiisa, nakikisangkot at may pagkukusa para sa ikauunlad ng kanilang lugar.


Sinasabi nga na malungkot at mahirap ang buhay sa disyerto, ngunit makikita natin na ang bawat isa ay nagbabahaginan.  Maging ang mga cactus na natatanging halamang nabubuhay sa lugar na ito ay nakapagbibigay ng tubig na syang pamatid-uhaw sa kung sino mang mapadaan dito.  Kapag ang mga cacti na ito ay nagsama sama, makakabuo sila ng isang oasis na syang nagbibigay ng tubig at lubos na kaginhawahan sa sino mang nangangailangan.


Pagbabahaginan.  Ito ay isang aral na makikita natin sa disyerto.  Ito ay ang kakayanan nating magbigay at magbahagi ng kung ano ang meron tayo, maging ito ay pinansyal, talento at maging oras. 


Tayo ay hindi cactus na isang halaman lamang.  Tayo ay tao na nilalang ng Dyos na syang pinakamataas sa lahat ng kanyang nilalang.  Mas malaki at mas malawak ang magagawa natin kung ikukumpara sa magagawa ng halamang cactus.  Mas marami tayong magagawa.  Hindi limitado ang ating kakayahan.  At kung tayong lahat ay magtutulungan, makakabuo din tayo ng isang pambihirang oasis na para sa lahat.  Pagtutulungang naipakita na natin sa mga iba’t-ibang kalamidad gaya ng kakalipas lamang na bagyong Ondoy at Pepeng. Pagtutulungang sana ay makita din natin sa darating na halalan.


TEXT CAMPAIGN:


Bayanihan… pagtutulungan… ilang beses na nating naipamalas sa iba’t-ibang paraan… nawa’y pagtulungan din nating maging malinis ang darating na halalan.


Deadline of Voter’s Registration: October 31, 2009 (ppcrvsanvicentedepaul.weebly.com)
tirahangdisyerto.doc
File Size: 28 kb
File Type: doc
Download File

 
Tapos… The End.. Kadalasan, kapag sinabi nating katapusan, iniisip natin na iyon na ang dulo. Halimbawa na lang ay ang graduation.  Pag sinabi nating nakapagtapos na tayo ng pag-aaral, madalas, hanggang doon na lang iyon.  Karamihan sa atin, nasasayahan dahil sa wakas, maaari na natin gawin ang mga hindi pa natin nagagawa noong nag-aaral pa tayo.


Ngunit, hindi ito ang itinuturo ng disiplina sa disyerto. Kung maalala natin, matapos sagipin ni Moses ang mga Israelita sa mga Paraoh, inisip ng mga Israelita na yun na ang katapusan ng kanilang pagkaalipin sa mga Paraoh. Sa kabilang banda, ang iba sa kanila ay nag-alinlangan pa rin at bumalik sa dati nilang gawi kaya’t dinala sila ni Moses sa disyerto. Gayunpaman, ang mga Israelita ay sumamba pa rin sa mga diyos-diyosang ginto ngunit sa diyerto din sila naliwanagan na sila mismo ay salawahan at mga sakim. Sa loob ng apat-napung taon, ang disyerto ang naghanda sa kanila upang sila ay makapasok sa lupang pangako.


Sa Pilipinas, ang EDSA 1 ang animo’y kahalintulad na karanasan ng pagtawid natin tungo sa kalayaan.  Matatandaang dahil sa sama-samang pagkilos ng sambayanan, nagapi ang mapang-aping diktadura ng Martial Law. Ngunit, ano na ang nangyari matapos noon?  Hindi ba’t parang naging pabaya tayo sa ating kalayaan sa puntong nagamit ito upang unti-unti tayong lumubog sa kahirapan?


Tinuturo sa atin ng disiplina sa disyerto na huwag magwalang-bahala… na ang katapusan ay umpisa lamang ng panibagong hamon… ang hamong panatilihin kung hindi man paghusayan sa susunod na tagpo.


Araw-araw, tayo ay dumadaan sa mga disyertong susubok sa atin. Ngunit, ang mga disyertong ito rin mismo ang magtuturo at huhulma sa ating pagkatao.  Gaano na kaya tayo natuto sa disyertong kinaroroonan natin ngayon? Malalaman natin sa darating na eleksyon.

TEXT CAMPAIGN:


Natuto na nga ba tayo? Malalaman natin sa darating na eleksyon… 


(para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang

http://ppcrvsanvicentedepaul.weebly.com)
disiplina_sa_disyerto.doc
File Size: 38 kb
File Type: doc
Download File

 
Ang disyerto ay isang bahagi ng lupa na mabuhangin at mabato. Ito ay maaring mahalintulad sa isang paglalakbay na puno ng pagsubok. Halika’t balikan natin ang NOON, at harapin ang NGAYON tungo sa isang BUKAS…


ANG DISYERTO NOON

“Ang sarap balikan ng nakaraan, mga alaala’y hindi mo malilimutan, matatamis na mga pangakong binitiwan ng mga nilalang na labis ang dinulot na kaligayahan.”

Mga salitang nabanggit ng isang pusong umiibig. Hahamakin ang lahat makamit lamang ang matamis na OO ng sinisinta. Gumagamit ng iba’t ibang paraan upang makuha ang naisin. Parang pulitikong nililigawan ang bayan upang maihalal, papangakuan ng ibat’t ibang magagandang bagay, tutulong kaliwa’t kanan with matching special appearance pa ON CAM. Pati poste hindi pinatawad sinabit pa ang mga mukhang pinaBELLO o Calayan.

Kahit noon, yan na ang National Anthem ng mga pinoy lalo na kapag panahon ng eleksyon. Disyertong nagdudulot ng sobrang init at uhaw sa katuparan ng mga pangkong binitiwan. 
NOON, NGAYON at BUKAS… 


ANG DISYERTO NGAYON

This is it! Sigaw ng mga taong nagkaroon ng katuparan ang pangarap. Mga nanaisin na natupad at nakamtan. Teka, balikan natin ang mga pulitikong nangako at ngayo’y naihalal… kamusta naman ang mga mabulaklak na salita? Natupad ba? Nagawa na ba nila o naaalala pa ba nila? Siguro HINDI NA. Eh kasi pagkaluklok PAY BACK TIME NA, I mean PAY BACK, pagbabalik ng gastos na ginamit noong kampanya. Papunta saan? Syempre sa kanya kanyang bulsa…. U KNOW!

Sa disyerto maikukumpara, disyertong puno ng buhangin na kapag hinawakan ay kumakawala sa mga palad. Parang pilipinong nais ding makalaya sa katakot takot na krisis ng bansa. 


ANG DISYERTO BUKAS

What is constant in this world is change. Pagbabagong hindi kailanman mapipigilan. Pagbabagong lagi lamang na andyan. Kaya ikaw pulitiko hindi pa huli para tuparin mo ang pangakong binitiwan mo. Hindi pa huli na palitan ang strategy mo. Yung tipong IKAW ANG SIMULA NG PAGBABAGO SUSUNOD KAMING MGA PILIPINO, TAYO MISMO ANG MAGBABAGO tungo sa magandang kinabukasan ng bayang ito.

Ang disyertong larawan ng hirap noon at ngayon ay isang disyertong instrumento tungo sa tunay na pagbabago ng bukas at pang habang buhay.


Kaya… START THE MAKE OVER! YOU KNOW…. 


TEXT CAMPAIGN:

Halika’t balikan natin ang NOON at harapin ang NGAYON tungo sa isang BUKAS… Para sa iba pang impormasyon, maaring bumisita sa http:www.//ppcrvsanvicentedepaul.weebly.com
Tungo sa isang malinis na eleksyon... 

- PPCRV- San Vincent de Paul Parish.
 
Today we are experiencing a social and political mess. This however goes beyond the question of truth to the search for probity. Probity is about the integrity of all, the accuser ans the accused. We are unhappy and we feel betrayed. And yet as Pope Benedict XVI remind us “in spite of our great disappointment our great hope can only be God who has loved us and who continues to love us to the end, until all is accomplished”, (Spe Salvi, 27). We also know that together we the capacity to correct and purify the nation by starting with ourselves.


The Model for Change is the Desert


The history of salvation teaches us that the long road to freedom inevitably passes through the desert of purification and conversion. Having escaped from Pharaoh, via the miraculous crossing through the Sea of Reeds, the Israelites considered themselves liberated. But they were not yet free, because they wanted to go back to their old ways in Egypt. “Should we not do better go back to Egypt?” (Numbers 14: 2-3).


The chosen people hesitated at the shores of the Sea and remained enslaved. So Moses led Israel away from the Sea of Reeds, and they entered the desert of Shur. (Exodus 15: 22). Believing that Pharaoh was the idolater refusing them the worship of the true God, it was in the wilderness where the people discovered that they too were guilty worshipers of golden idols. (Exodus32: 1-29). People were disciplined and converted from their greed (Exodus 16: 17-21); and the desert which the Israelites feared to enter became for them a place of purification, discipline and conversion, before they could enter the promised land of freedom, forty years later. There are yet no proven easy short cuts to conversion and renewal. Looking back at EDSA 1, europhoric and heroic as it was, it appeared that the event became the Filipinos’ day of crossing the freedom; but that was only the first step that hardly anyone knew. The “desert” awaited the people who would be purified and converted, before they become fully liberated. But people preferred the convenient streets as the easier route to an imagined freedom, and feared the “desert experience” that awaited conversion and new beginnings.


Corruption as the cancer of the nation

We cannot add more to the wrath of God for lies, untruth, injustice, and evil. Conscience, as the voice of God within, already tells us of what good there is to pursue and what evil to avoid. Our people are known to be God-fearing and God-loving; sadly, they fight, deceive and kill for the money.

Shamefully we have been known to be a nation whose prime industry has been identified as politics simply because politics is the main route to power, which, in turn, is the main route to wealth (1). In this country people use politics to get money, and more politics to protect more money. “Corruption radically distorts the role of representative institutions, because they become an arena for political bartering between clients’ requests and governmental services. In this way political choices favor the narrow objectives of those who possess the means to influence these choices and are an obstacle to bringing the common good of all citizens.” (Compendium of the Social Doctrine of the Church, 411).

The subordination of the public good to individual or group interests is what corruption is all about. In whatever form it takes, the practice of corruption is both immoral and unjust. Corruption is worse than lies, because lies are employed only to cover it. Whenever Government money is stolen or whenever suppliers or contractors’ money is offered as bribe to secure projects, to the disadvantage of the Government graft and corruption is committed. Graft is the acquisition of gain by dishonest, unfair and sordid means through the abuse of one’s position in politics, business, etc., while corruption is the improper enrichment of politicians or civil servants or those close to them by the misuse of public power entrusted to them. [BIR, Revenue Memo Circular 12-2005]. As an injustice to the Government and people graft and corruption are against the Serventh Commandment and have the added elements betraying one’s country.


The Universal and All-time Application of the Seventh Commandment

The Seventh Commandment, “Thou shall not steal”, applies to all, as individuals or as groups. Thus, if one holds on to money or its equivalent that is not his or hers (or theirs), justice demands restitution of the stolen or bribe money to the owner. (CCC, 1459). If the owner can no longer be located, then the money should be given to the poor or to a credible institution that will give the money for the poor or give true services for the poor. Restitution was the constant teaching in relation to the violation of the Seventh Commandment in the Bible. “If anyone steals…, he will pay back”. (Exodus 21: 37)

“Look Lord, I am going to give half my property to the poor, and if I have cheated anybody I will pay him back four times the amount”. With this confession, the Lord Jesus blessed Zacchaeus with salvation. (Luke 19: 8-10). The teaching of the Church on stealing is this; No Restitution, no absolution. In the words of Jesus: with Restitution, there is Salvation. (Luke 19: 9). An authentic conversion demands willingness to restore what has been stolen and the resolve not to steal again. The penitent should not be complacent about one’s faith as to consider oneself truly absolved before God on account of faith alone, even if one has no contrition… For faith without penance would effect no remission of sins. (Council of Trent).

The mandate of the Seventh Commandment is also addressed to traders and ordinary citizens in all practices of business, commerce and trading. Fraud in business, over pricing, bribery in contracts, cheating in scales, cheating in legitimate taxes and the smuggling of taxable goods, including also the smuggling and trafficking of substances for abuse to damn the innocent and the weak members of society, etc. --- all these are among the many forms of violating the Seventh Commandment.



Our Response: Our desert experience

The old and the young, from kindergarten through high school on to the tertiary level of education till up to the licensure exams, are all to be formed and guided towards integrity, trained never to cheat in studies and exams. The “discipline of the desert” is to be taught and applied, if anyone is to succeed at any level towards “the fullness of life”.

The Seventh Commandment covers not only the present corruption deals that have been recently exposed, but also all deals, at all levels of government service, of all administrations and governance, no matter what came out of the past or will come out of the present or future inquiries. “Thou shalt not steal” covers also all trading of even ordinary citizens. 

We suddenly notice that the widespread corruption we see in others is also the corruption we detect in ourselves. Corrupt practices and fraud prevailed in the cities, towns and even in small barangays. In the last two generations there had been tens of thousands of graft-ridden contracts in Government the biggest single controversial project ever recorded in Philippine history was the Westinghouse’s Bataan Nuclear Plant (2).

True liberation will mean that we enter our desert of repentance and conversion. Change lies only at the heart of every person. Let us begin there. Values for living justly will be preached in parishes, prayed for in the homes, re-taught in schools, discussed in small communities and groups. Support structures will be required for a righteous life and fair dealings. After our personal and communal “desert” conversion, we will, please God, be ushered to the freedom we seek.


God’s Help is always needed

We need God’s grace, if we are to encourage one another, forgive each other, pay our debts to the justice that we all violated, and start again, not at the banks of “our” Sea of Reeds”, but beyond the streets of EDSA. Believers and lovers of God, like true Christians, do not have to hate, destroy each other if they want to correct the mistakes of the past or the present and of each other. Many are critical of the present governance particularly in the areas of truth and justice. But we can restore truth and justice without resorting to violence and hatred. A nation built on contempt is completely unimaginable. As pastors we cannot tell you less, even if some will resent the way we teach. It is everybody’s good, especially the very poor among our brothers and sisters that we now address this call for communal renewal. We need the leaders from the highest to the lowest and their families not only to lead us, but also to give us examples of repentance and true humble conversion. We also need people with other ideas but with positive emotions in nation building. Given the example and encouragement, the citizens will be inspired to follow where in the past they hesitated to proceed --- to their “desert” transformation.



TUNGO SA ISANG BAYANG MULING PINATATAG NG ISANG BUHAY NA MARANGAL

Dumadaan tayo ngayon sa isang kaguluhang pampulitika at panglipunan. Ngunit ito’y higit pa sa usapin ng katotohanan upang magpatunay sa pagiging matuwid natin. Ang usapin ng pagiging matuwid ay tumutukoy sa dangal ng lahat ng mga nagsasakdal at gayon din sa mga nasasakdal. Tayo’y nalulungkot at sa wari natin ay napagtaksilan tayo. Ngunit sa kabila ng lahat, humuhugot tayo ng lakas sa paalala sa atin ni Papa Benito XVI, “na sa kabila ng matitinding kaguluhang nakakasalamuha natin, ang dakilang pag-asa natin ay ang Diyos lamang sapagkat siya ay patuloy na nagmamahal sa atin hanggang sa huli, hanggang maganap ang lahat.” (Spe Salvi, 27) Matibay ang ating paniniwala na kung tayo’y  sama-sama mayroon tayong kakayahang iwasto at linisin ang ating bayan at dapat itong magsimula sa ating mga sarili.



Ang Disyerto bilang Larawan ng Pagbabago

Ang kasaysayan ng kaligtasan ay nagtuturo sa atin na ang mahabang daan patungo sa kalayaan ay kinakailangang dumaan sa disyerto ng paglilinis at pagbabagong-loob. Ang akala ng mga Israelita ay malaya na sila nang sandaling sila’y nakatakas mula sa Faraon, nang sandaling sila’y mahimalang nakatawid sa Dagat ng Tambo. Ngunit sa katotohanan ay hindi pa rin sila lubusang malaya dahil nandoon pa rin ang pagnanais nilang magbalik sa kanilang kinamihasnang mga pag-uugali nang sila’y nasa Egipto.” (Bilang 14:3)

Ang piniling bayan ng Diyos ay nag-alinlangan nang sila’y nasa dalampasigan ng  Dagat at sila’y nanatili pa ring mga alipin. Kaya nga, sila’y kinakailangang akayin ni Moises palayo sa Dagat ng Tambo hanggang sila’y makarating sa disyerto ng Shur. (Exodo 15:22) Ang akala nila’y ang Faraon lang ang salawahan sapagkat hadlang siya sa kanilang pagsamba sa tunay na Diyos, ngunit sa disyerto nila natuklasan na sila din pala ay mga salawahan sapagkat sila man ay sumamba sa gintong diyos-diyosan. (Exodo 32:1-29) Dito sila’y sinanay at pinapagbago laban sa kanilang kasakiman. (Exodo 16:17-21) Ang disyerto na kanilang kinatatakutan ay naging lugar ng kanilang paglilinis, pagsasanay at pagbabago sa loob ng apatnapung taon, bago sila tuluyang nakapasok sa lupang pangako. Alam natin na magpahanggang ngayon ay wala nang iba pang daan na tunay na makapagdadala sa atin tungo sa pagbabagong-loob at pagpapanibago kundi ang daan ng disyerto.

Kung babalikan natin ang EDSA 1, ang karanasan na may natatanging kadakilaan at kagitingan, tila baga ito’y ang karanasan ng mga Filipino ng pagtawid patungo sa kalayaan; na hindi sukat akalain ng karamihan na ito pala ay unang hakbang lamang tungo sa ganap na kalayaan. Naghihintay ang disyerto sa mga taong dapat malinis at magkaroon ng pagbabagong-loob bago sila tuluyang makarating sa lubos na kalayaan. Ngunit mas pinili pa ng bayan na manatili sa nakalalasing na hiyawan ng mga lansangan bilang maikling daan tungo sa kalayaang katha ng kanilang isip at nanatili silang takot na “pumasok sa hanon ng disyerto” na magdadala sa kanila sa pagbabagong-loob at bagong simulain.



Ang Katiwalian bilang Kanser na Pumapatay sa Bayan

Wala na tayong maidaragdag pa sa pagkasuklam ng Diyos sa kasinungalingan, panlilinlang, kawalang katarungan at kasamaan. Ang ating budhi, bilang tinig ng Diyos sa ating puso, ay nagtuturo sa atin kung ano ang mabuti na dapat nating pagsumikapan at ang kasamaang dapat nating iwasan. Kilala ang bayan nating bilang may takot at pag-ibig sa Diyos, ngunit ang nakalulungkot ay mayroong nakahandang makipagbuno, manloko at pumatay para lang sa salapi.

Ang nakakahiya pa ay nakilala na rin tayo bilang isang bayan na ang pangunahing pangangalakal ay ang pulitika, dahil ito ay ang tiyak na daan tungo sa kapangyarihan na siya rin naming tiyak na daan tungo sa kayamanan. (1) Sa bansang ito karaniwang ginagamit ang pulitika ng ating mga kababayan upang makamtam ng salapi, at higit na pulitika upang ingatan ang mas maraming salapi. “Lubusang sinisira ng katiwalian ang papel ng mga kawani ng tanggapan dahil ginagawa nitong kasangkapan ng pangangalakal-pulitika ang kahilingan ng mga mamamayan at ang paglilingkod na dapat ibigay ng pamahalaan. Sa ganitong katayuan, ang mga pagpapasya sa pulitika ay kumikiling lamang sa iilang balakin ng mga taong may sinasabi sa lipunan at ito’y nagiging balakid upang maihatid ang pangkalahatang kabutihan ng mamamayan” (Compendium of the Social Doctrine of the Church, 411).

Ang katiwalian ay maliwanag na pagyurak ng isang tao o ng ilang grupo sa kabutihan ng nakakarami. Ano pa man ang maging anyo nito, ang katiwalian ay imoral at laban sa katarungan. Ang katiwalian ay higit na mas masama kaysa pagsisinungaling, dahil ang pagsisinungaling ay paraan lamang upang pagtakpan ang mga tiwaling gawain. Sa tuwing ang salapi ng pamahalaan ay ninanakaw o dili kaya’y ang mga nakikipangalakal o pumapasok sa mga kontrata sa pamahalaan ay nanunukol para sa mga proyekto, ang pangungurakot at katiwalian ay nagaganap sa ikasisira ng pamahalaan. Ang pangungurakot ay pagkamkam ng kayaman sa pamamaraang mapanlinlang, mapandaya at madumi sa labis na paggamit ng katayuan sa pulitika, pangangalakal, at iba pa; ang katiwalian naman ay ang maling paraan ng pagpapayaman ng mga pulitiko at kawani ng pamahalaan, o dili kaya’y ang malalapit sa kanila sa hindi wastong paggamit ng kapangyarihan ipinagkatiwala sa kanila (BIR Revenue Memo Circular 12-2005). Bilang paglabag sa katarungan sa bansa at bayan, ang pangungurakot at katiwalian ay laban sa ika-pitong Utos ng Diyos at nagpapahayag ng kataksilan sa bansa.


Ang Pangkalahatan at Pamalaging Pagsunod sa Ika-Pitong Utos ng Diyos

“Huwag kang magnanakaw”. Ang Ika-Pitong Utos ay para sa lahat maging sa isang tao man o sa buong grupo. Kaya ngay ba, kung may isang nag-aangkin ng salaping nakaw o katumbas nito na hindi naman kanya, nararapat lamang ayon sa hinihingi ng katarungan na isauli ito sa may-ari ng salaping nakaw o nakuha mula sa panunuhol. (CCC, 1459). Kung ang may-ari ng salapi ay hindi na matuntunan, ito ay dapat ibahagi sa mahihirap, o sa mapagkakatiwalaang mg institusyon magbibigay, o sa mapagkakatiwalaang mg institusyon sa magbibigay ng salapi sa mahihirap o di kaya’y gagamitin ang salapi upang makapaglingkod sa mahihirap.

Ang pagsasauli ng ninakaw ay malinaw na palagiang turo ng bana na Kasulutan sa paglabag sa Ika-Pitong Utos. “Ang  sinumang magnanakaw… ay kinakailangang magbalik ng ninakaw” (Exodo 21:37).

“Panginoon, ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung ako’y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.” Ang biyaya ng kaligtasan ang iginawad ng Panginoong Hesus kay Zaqueo pagkatapos niyang ipahayag ang kanyang pagsisi. (Lukas 19:8-10). Ito ang itinuturo ng Simbahan tungkol sa pagnanakaw: Hindi maaaring igawad ang pagpapatawad (absolusyon) hangga’t walang pagsasauli ng ninakaw. Ayon kay Hesus, may kaligtasan sa pagsasauli ng ninakaw. (Lukas 19:9). Masasabi din natin na tuna yang pagbabagong-loob kung may matibay na hangarin na ibalik ang ninakaw at ang hangring hindi na muling magnanakaw. Hindi dapat pakatiyak ang nagbabalik-loob na sa kanyang pananampalataya ay ituring niyang siya’y napatawad na ng Diyos dahil lamang sa pananampalatayang walang pagtitika ay hindi nakapaghahatid ng kapatawaran ng kasalanan. (Council of Trent).

Ang Ika-Pitong Utos ay para sa mga mangangalakal at lahat ng mga mamamayan na naghahanap-buhay, mga nasa larangan ng komersyo at pamimili. Ang pandaraya, pagpapatong ng labis na halaga, panunuhol sa mga kontrata, pandaraya sa timbangan, pandaraya sa pagbabayad ng tamang buwis at pagpupuslit ng mga bagay-bagay na dapat sana’y nabuwisan kasama ditto ang pagpapapuslit at pagpapasok ng droga na sumisira sa payak at mahihinang mamamayan – ang lahat ng mga ito ay paglabag sa Ika-Pitong Utos ng Diyos.


Ang Tugon natin: Ang pagpasok natin sa disyerto

Matanda man o bata, mula kindergarten hanggang high school, patungo sa kolehiyo, maging hanggang sa licensure exams, ang lahat ay dapat hubugin at gabayan patungo sa matuwid na buhay at sanayin na hindi dapat mandaya sa pag-aaral at pagsusulit. Ang “disiplina ng disyerto” ay dapat ituro at ipatupad sa anumang antas tungo sa kaganapan ng buhay.

Ang Ika-Pitong Utos ay sumasaklaw hindi lamang sa mga usapin sa pangungurakot at katiwalian na kasalukuyang inilalantad. Sakop din nito ang lahat ng antas ng paglilingkod sa pamahalaan, lahat ng mga namamahala at namumuno, anuman ang maging bunga ng  mga pagsisiyasat sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ang utos na “Huwag kang magnanakaw” ay sumasaklaw sa lahat ng kalakalan kahit na ng mga pangkaraniwang mamamayan.

Kapansin-pansin na ang laganap ng katiwalaan na nakikita natin sa iba ay sumasalamin sa mga katiwalian namumugad sa ating mga sarili.

Maraming katiwalian at kabuktutan ang namamayani sa mga lungsod, bayan at kahit na sa mga maliliit na barangay. Sa nakaraang dalawang salinlhi, mayroon nang libo-libong mga matiwaling kontrata sa pamahalaan, ang pinaka-malawig at pinaka-kontrobersyal sa mga ito sa kasaysayan ng ating bansa ay ang Westinghouse’s Bataan Nuclear Plant. (2)

Ang tunay at ganap na kalayaan ay nangangahulugan ng pagpasok sa ilang pagsisi at pagbabalik-loob. Sa puso ng tao lamang matatagpuan ang pagbabago. Dito natin ito simulan.

Ituturo sa mga parokya ang lahat ng dapat pahalagahan para sa makatarungang pamumuhay, ipagdarasal ito sa lahat ng mga tahanan, muling ituturo sa mga paaralan at pagninilayan sa mga pamamayanan at bukluran. Kinakailangan ng mga balangkas na magtataguyod ng isang matuwid na buhay at makatarungang pakikitungo sa kapwa. Matapos ang pansarili at pang-pamayanang karanasan ng pagbabago ng kalooban sa ilang, akayin nawa tayo ng Diyos patungo sa kalayaang pinapangarap nating lahat.


Lagi nating kailangan ng tulong ng Diyos

Kailangan natin ang biyaya ng Diyos kung hihimukin natin ang bawa’t isa, kung sisikapin nating magpatawad at pagbayaran ang lahat ng kawalang katarungan n gating nagawa, at magsimulang muli, hindi na sa mga pampang ng “ating Dagat ng Tambo” ngunit lalampasan pa ang mga lansangan ng EDSA. Ang mga nagtitiwala at nagmamahal sa Diyos, bilang tunay na mga Kristiyano, ay hindi dapat panaigan ng galit; hindi dapat hayaang wasakin ang bawat isa kung nais ituwid ang mga pagkakamali nagawa noon o ngayon. Marami ang tumutuligsa sa kasalukuyang pamahalaan lalo na sa mga usapi ng katotohanan at katarungan. Ngunit mapanunumbalik natin ang pamamayani ng katotohanan at katarungan nang hindi gumagamit sa karahasan at pagkamuhi. Mahirap isipin na ang isang bansa ay maaaring mabuo batay sa pagkamuhi. Bilang inyong mga pastol, hindi kami mangingiming paalalahanin kayo kahit na ikagalit pa ng iba ang pamamaraan naming sa pagtuturo. Ito ay para sa ikabubuti na lahat, lalo na ang mga naghihikahos nating mga kapatid, kaya nga’t kami’y nananawagan para sa sama-samang pagpapanibago.

Kailangan nating ang mga lider mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamahalagang antas gayundin ang kanilang pamilya na hindi lamang mamuno kundi magbigay rin ng mabuting halimbawa ng pagsisisi at tunay na mapagpakumbabang pagbabalik-loob sa Diyos. Kailangan din natin ng mga taong ang pag-iisip ay tinatambalan ng positibong saloobin sa pagtataguyod ng ating bayan. Sa pamamagitan ng mabuting halimbawa at pagpapalakas ng kalooban, mapupukaw ang damdamin ng mga mamamayan na sundan ang dati’y pinangangambahang pasukin – ang disyerto ng pagbabago.

Ngayon, diretso na tayo sa hindi natin kaagad gustong puntahan – sa disyerto ng ating mga masamang karanasanat kasalanan na dapat nating baguhin! May pag-asa po ang ating bayan at ang ating mga sarili. Basta’t sa pagbabago kay Kristo Hesus tayo’y magsama-sama.

Sa diwa ng panalangin, magsumamo tayo kay Maria at Jose na akayin tayo pabalik kay Hesus na tinalikuran natin sa maraming pagkakataon sa nakaraan.


Pagpalain tayo ng Poong Maykapal!


+Gaudencio B. Cardinal Rosales

Archbishop of Manila
towards_a_morally_rebuilt_nation.doc
File Size: 65 kb
File Type: doc
Download File

 
Kung hindi ikaw? Sino? Kung hindi ngayon kailan? Kung hindi dito? Saan? Kung hindi ngayon? Kailan pa ang pagbabago? Kung ganoon man, bakit hindi ikaw? Dito? At ngayon mo simulan? Ang pagbabago? O kailangan mo pa uling maranasan ang Martial Law? O ang Global Economical Crisis? Para lang mabago? 


Subukan mong simulan at ikaw ay susundan, tawirin ang pagbabago mula sa makaluma at hindi magandang pamamaraan ng nakalipas at buksan ang mga mata sa kinabukasan. Ating simulan sa sarili at maging mabuting halimbawa upang tayo ay sundan ng iba. Simulan sa maliliit dahil ito ay maaring lumaki.  Ang sabi nga kahit anong maliit basta’t malimit ay lumalaki.  


Simulan natin sa pagiging disiplinado sa lahat ng bagay hindi lamang sa salita kundi maging  sa gawa. Sabayan ito ng sipag at tiyaga dahil nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Matuto tayong planuhin ang ating mga aksyon upang makokontrol natin ang sitwasyon. 


Matapos nating ayusin ang ating sari-sarili nating pamumhay, matutunan din sana natin ang makisangkot sa mga napapanahong usapin dahil sabi nga walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Isipin mo rin ang iyong maitutulong sa iyong bayan. Nawa’y manahan din sa atin ang nasyonalismong kaisipan.  Ang simula ng pagbabago ay nasa iyo, ngayon na at dito mismo.


Maging ikaw ay bata o matanda, may natapos o wala, tambay o nagtatrabaho, may panahon pa para magbago ang ating bayan.  Simulan sa sarili. Maging disiplinado at doon magsisimula ang pagbabago. 


TEXT CAMPAIGN

Kung hindi ikaw? Sino? Kung hindi ngayon kailan? Kung hindi dito? Saan? Kung hindi ngayon? Kailan pa ang pagbabago? Kung ganoon man, bakit hindi ikaw? Dito? At ngayon mo simulan?
pagbabagosasarili.doc
File Size: 29 kb
File Type: doc
Download File

 
Bolunterismo. Marahil, madalas na itong naririning ng karamihan sa atin ngunit marami pa rin sigurong hindi naiintindihan ang salitang ito. Ano nga ba ang totoong kahulugan ng volunteerism? 


Ang volunteerism ay pagkilos at pakikibilang sa isa o iba’t- ibang gawain, aktibidad o proyekto na tumutulong para maisakatupran ang isang layunin o di kaya’y malinang ang isang partikular na bagay. Ito ay pagkukusang gawin ang isang bagay upang makamit ang layunin o gawain. Para sa ating mga Pilipino, kilala natin ang volunteerism sa ibang katawagan… ang “bayanihan” o ang pagdamay at pagtulong sa mga nangangailangan. Kung tutuusin napakaraming maaring maging ibig sabihin ng salitang volunteerism at maari ring iba-iba ang maging kahulugan nito para sa bawat isa sa atin. Maaaring para sa iba, ito’y pagkukusa na pagtulong at walang hinihintay na kapalit, ngunit maari rin namang para sa iba ito’y mangangahulugan ng  paggawa ng isang bagay para sa pansariling dahilan maliban sa pagtulong.


Ang pagtulong sa kapwa higit lalo sa mga nangangailangan ay isang likas na katangian nating mga Pilipino na hindi kailan man mahihigitan ng ibang lahi. Ang pagtulong ng bukal sa puso sa sinuman ay ating nakagawian mula pa sa ating mga ninuno. Dahil sa lubos tayong mapagbigay at tumutulong ng walang hinihintay na kapalit, sapat na para sa atin ang malaman nating nakatulong tayo at maramdaman ang kakaibang saya ng pagtulong sa kapwa… Ito ang tunay na diwa ng salitang volunteerism. 


Ngunit, sa paglipas ng panahon at dahil sa mga pagbabago ay nagkakaroon rin ng ibang kahulugan ang salitang volunteerism. Nawawala na ang diwa nitong magbahagi ng sarili para sa iba nang hindi naghihintay ng kapalit. Marami ang sumasali sa mga organisasyon dahil mayroong mapapala sila dito at hindi sa dahilang may maibabahagi sila dito. 


Mahalagang maibalik ang tunay na diwa ng volunteerism. Lahat tayo, bata man o matanda ay may kakayahang tumulong sa ating kapwa at makiisa upang makamit ang layunin natin na makatulong para sa ikabubuti at ikauunlad ng nakararami. Maliit man o malaking uri ng pagtulong ay makabuluhan kung ito ay nanggaling sa puso. 


Tumulong na maibalik ang tunay na diwa ng bolunterismo.  Maging makabuluhan. Maging volunteer ng PPCRV. 

TEXT CAMPAIGN:


Tumulong na maibalik ang tunay na diwa ng bolunterismo.  Maging makabuluhan. Maging volunteer ng PPCRV. Magtanong lamang sa nagpadala sa iyo nito.
volunterism.doc
File Size: 33 kb
File Type: doc
Download File

 
Gusto mo bang mag-level up? Matuto at makakuha ng bagong skills? Madagdagan ang inyong experience? Kung ikaw ay interesado pakinggan ninyo ang mga sasabihin ko...


Narito ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting ( PPCRV) para magbigay ng experience at mga bagong kaalaman tungkol sa pagiging isang responsableng botante sa pamamagitan ng iba't- iba nitong mga proyekto. 


May apat na pangunahing proyekto ang PPCRV.  Una dito ay ang VOTER'S REGISTRATION. Nilalayon ng proyektong ito na maghikayat ng mga tao,  lalo na ang mga kabataan, upang magparehistro para sa darating na eleksyon. Bakit? Dahil bawat boto ay mahalaga… hawak natin ang ating kinabukasan sa ating mga iboboto sa posisyon. 


Ikalawa, ay ang COMPLETE VOTER'S LIST CLEANSING o CVL Cleansing. Layunin nitong linisin o alisin sa Voters’ List ang mga pangalan ng taong di na dapat bumoboto gaya ng mga sumakabilang buhay na o matagal nang wala sa komunidad. Mahalagang maalis ito sa listahan ng mga boboto dahil ito ay maaaring magamit sa dayaan. 


Ikatlo, ang POLL WATCHING na naglalayong maiwasan ang katiwalian at dayaan sa araw ng eleksyon. 


Ang huli at pinakamahalaga sa lahat ay ang VOTER'S EDUCATION. Nilalayon nitong imulat ang ating isipan kung paano ba maging responsableng botante at kung ano ang mga dapat malaman ng isang botante bago, habang, at matapos ang eleksyon. Dahil ito ay mahalaga, gumagamit ito ng iba’t-ibang paraan upang mapaabot ang impormasyon sa mga botante. Una dito ay ang MASS CAMPAIGN kung saan bago ang misa ay magkakaroon ng mga maikling pagtalakay sa mga dapat malaman ng isang botante- tulad na lamang ng aking ginagawa ngayon.  Ikalawa ay ang TEXT CAMPAIGN kung saan ipinapakalat din ang impormasyon tungkol sa eleksyon sa pamamagitan ng text message. Malapit na ring gamitin ng PPCRV ang internet upang mas lalo pang makapagbahagi ng mga impormasyon sa mas nakararaming tao.


Mahalaga ang lahat ng mga proyekto ng PPCRV.  Bukod sa ito ay kapupulutan ng kaalaman, tutulungan ka pa nitong mahubog ang diwa ng bolunterismo. Kaya’t sa darating na eleksyon, wag lang basta bomoto…maglevel-up… maging angat…  tumulong sa mga proyekto ng PPCRV? Saang proyekto mo gustong mag-level up?

 
TEXT CAMPAIGN:


Gusto mo bang mag-level up? Matuto at makakuha ng bagong skills? Madagdagan ang inyong experience? Makilahok sa mga proyekto ng PPCRV. Magtanong lamang sa nagpadala sa iyo nito… Pakipasa sa iba.
gustomobangmaglevelup.doc
File Size: 33 kb
File Type: doc
Download File


ppcrv,san,vicente,de,paul,parish