Picture


PPCRV San Vicente de Paul Parish 
(PPCRV-SVPP)

Ang parokya ng San Vicente de Paul ay isa sa mga naging aktibong kasapi ng PPCRV- National buhat nang ito ay maitatag.   Sa ngayon, ito ay patuloy pa ring tumutugon sa hamon ng PPCRV- National sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programang inihanda ng PPCRV- National.
 
 
Mga Programa ng PPCRV- San Vicente de Paul Parish (PPCRV-SVPP)
 
1. Volunteer Education
    Isa sa pinakapinagtutuunan ng pansin ng PPCRV- San Vicente de Paul ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman, kasanayan at pag-uugali (knowledge, skills and attitude) hindi lamang ng mga botante kundi, lalo't higit, ang mga kasapi nito.  Bunsod nito, ang mga kasapi ng PPCRV- San Vicente de Paul ay nagkakaroon ng monthly formation upang ihanda ang mga kasapi sa kanilang mga gagawin.
 
2. Voters' Education    
    Bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon, nagsasagawa ang mga PPCRV- SVPP ay nagsasagawa ng voters' education na naglalayong makatulong sa mga boboto upang magkaroon sila ng tamang kaalaman, kasanayan at pag-uugali sa pagboto (knowledge, skills and attitude). Isinasagawa ang voters' education sa pamamagitan ng sumusunod:
        a. 5 Minute Catechesis before the Mass
        b. Text Campaign
        c. Print/Other Media Campaign (Internet, flyers, etc...)
 
3. New Voters' Registration
    Aktibo din ang PPCRV-SVPP sa paghikayat sa mga bagong botante na magparehistro upang kanilang gampanan ang kanilang karapatan at responsibilidad bilang isang mamamayan. 
 
4. Complete Voters' List Cleansing (CVL Cleansing)
    Ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa City Registrar at mga barangay upang masigurong malinis ang listahan ng botante at tanging mga rehistradong botante lamang ang mga nakasulat dito.  Sa pamamagitan ng CVL Cleansing, matatanggal na sa listahan ng mga botante ang mga hindi na dapat na malagay sa listahan (gaya ng mga patay na at mga lumipat na ng tirahan)

ppcrv,san,vicente,de,paul,parish