Naisip mo ba na ikaw mismo? Na ikaw ang gagawa? Na responsibilidad mo? 


Sa simula diba parang ang hirap umako ng gawain o responsibilidad? Lalo na kung ito ay makabago o para sa kinabukasan? Pero bawat isang tao ay may nakatakdang gawain o responsibilidad maliit man ito o malaki. Bata man o matanda may responsibilidad na parte sa pagbabago para sa kinabukasan.

 
Responsable ka ba? Kung hindi, maaring ikaw ay isa ka sa mga taong sumusunod: Taong Diktador,  Taong Otosan at Taong Asaka?   


Ang Taong Diktador ay ang taong utos lang ng utos.  Yung walang magagawa kapag walang mapag-uutusan. Yung tipong palaging nag-uutos na dapat ganito o dapat ganyan sa mga gawaing pang-grupo. Sa madaling salita, sila yung palaging nagmamando at wala nang ibang makakakwestiyon sa utos niya. Masasabing hindi sila ganap na responsable dahil maaaring sila ang nakaisip ng solusyon ngunit hindi mismo sila ang gumagawa ng aksyon para dito.  


Ang sumunod na uri ng taong hindi responsable ay ang Taong Otosan na gagawa lang kapag napagutusan. Kung sa isang pang-grupong Gawain, sila yung masasabi nating “Loyalista” na gagawin lang kung ano ang pinagagawa sa kanya… kung minsan, kahit labag ito sa kanyang kalooban. Hindi sila ganap na responsable dahil hindi sila nagkukusang umisip ng solusyon bagama’t sila ang gumagawa ng aksyon.


Ang pangatlong uri ng taong hindi ganap na responsable ay ang Taong Asaka. Sila ang mga taong pabaya o umaasa na lamang sa iba upang may magawa.  Yung tipong “supporter” lamang sa  mga pang-grupong gawain.  Yung sumusuporta lamang sa mga napagdesisyunan ng nakararami para masabi lang na may nagawa. Masasabing hindi sila responsable dahil bukod sa hindi sila nag-iisip ng solusyon ay maaari ring hindi sila ang nagkukusang umaksyon.  Nakadepende ang kanilang pag-iisip at pagkilos sa pag-iisip at pagkilos ng iba.


Ang pagiging responsable ay hindi lang sa isip. Ito din dapat ay nakikita sa gawa.


Ikaw? Responsable ka ba? Baka naman isa ka sa mga taong nabanggit? Isa ka bang Diktador na lagi nalang nag-uutos? Isang Otosan na taga-sunod na lamang s autos? O Isang Supporter na umaasa na lamang sa iba? 


Maging sino ka man? May pagpapabago pa ang bukas, hindi man ngayon ngunit simulan ngayon para sa kinabukasan. Maging Responsable… Ikaw mismo…


        Kung responsible ka, ano mismo ang pwede mong magawa? Ba’t di ka maging bahagi ng PPCRV para ikaw mismo ay bahagi ng pagbabago.


TEXT CAMPAIGN:

Ako Mismo ay isang PPCRV… isang tagapagpabago. Ikaw? Gusto mo makapagpabago? Mag-PPCRV.
Click here to upload file




Leave a Reply.


ppcrv,san,vicente,de,paul,parish