Click here to upload file

Pare-pareho nalang ba ang mga ginagawa mo sa bawat araw? Gumigising, pumapasok sa trabaho o paaralan, umuuwi ng bahay, natutulog… Sa susunod na araw, gigising ka na naman, papasok sa trabaho o paaralan, uuwi ng bahay at matutulog? Hindi ka pa ba nagsasawa sa paulit-ulit na gawain? Ayaw mo bang mabago man lang ginagawa mo? Ayaw mo bang maging kakaiba?


Bawat araw, binibigyan tayo ng pagkakataong magpasya at gumawa ng pagbabago. Ikaw, anong pagbabago na ang nagawa mo sa sarili mo? Sa kapwa mo? Sa bayan? 


Ngayon, bibigyan ka namin ng pagkakataong magpasya at gumawa ng pagbabago.  Sagutin  lamang ang tanong na ito: Sapat na  ba sa iyo ang bumoto lang?



Kung oo ang sagot mo, balewalain mo na lamang ang paanyayang ito.  Ngunit kung ang sagot mo ay hindi… hindi sapat na bumoto lang, ikaw ay inaanyayahan naming makisangkot sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV. Maraming paraan upang maging kasapi.  Maaaring maging Active Volunteer, Text Volunteer at Financial Partner.


Ang Active Volunteer ay ang magiging katuwang ng PPCRV  sa aktwal na pagsasagawa ng mga proyekto gaya ng Voters’ Education, Complete Voters’ List Cleansing, Pollwatching at iba pa.



Ang Text Volunteer naman ay hindi kinakailangang maging aktibong kasapi ng PPCRV.  Papadalhan ang mga text volunteer ng mga text messages sa bawat linggo at tungkulin nila ay ipadala lamang ito sa lahat ng mga kakilala nila gamit ang unlimited texting.



Ang mga Financial Partners naman ay maaaring magbahagi ng kanilang mga pledges o mga donasyon upang makatulong sa mga aktibidad ng PPCRV.


Ngayon, magpasya ka.  Patuloy ka pa rin ba sa pagiging pangkaraniwan o gusto mong maging kakaiba… 


Maging bahagi ng pagbabago… Para sa iba pang impormasyon, magpunta lamang sa mga volunteers na nasa labas ng simbahan.
pangkaraniwanatdi-pangkaraniwangtao.doc
File Size: 30 kb
File Type: doc
Download File




Leave a Reply.


ppcrv,san,vicente,de,paul,parish